Just the way you Are

Reblogged from yogomez

Reblogged from younghollywoodcelebs
Reblogged from younghollywoodcelebs
Reblogged from younghollywoodcelebs
Reblogged from markgosingtian

Reblogged from litratonijuan

“Ang Kabataan Ngayon, Ibang-Iba sa Noon.
(via litratonijuan)
Isa ito sa mga ikinalulungkot ko sa mga kabataan ngayon, ang gawin ang mga bagay na hindi naman talaga nila alam o kaya’y tularan ang mga maling nakakatanda.
Kanino pa nga ba matututunan ng mga paslit ang mga bagay na ito kung hindi ito nakikita sa ibang tao, lalu na sa mga nakakatanda na dapat humuhulma sa mga batang ito para maging maunlad sila balang araw. Hindi lingid sa ating kaalaman na nagbabago ang lipunan sa pagdaan ng panahon, ngunit hindi ba dapat magbago tayo patungo sa kabutihan at hindi sa kasamaan?
Hindi ko maitatanggi na nasa pagpapalaki rin ito ng mga magulang. Kidlatan man ako ngayon, hindi ko magawang gawin ang senyas na yan, maging sabihin ang ibig sabihin niyan ay napakahirap para sa’kin. Maaari din ito ay dahil sa mga nakakasalamuha niyang tao, pero kung ang pundasyon ng pag-uugali ay magandang nagsimula sa tahanan, anu man mangyari ay alam nya ang tama sa maling gawain, bata man siya o matanda na.
Maaaring nakuha rin ito ng lipunan sa mga gawaing maka-Kanluranin dahil na rin sa kagustuhan nating maging katulad nila. Ang nakikita kong trend sa mga tao ngayon, mapa politiko, artista, o ordinaryong mamamayan, pinipilit nating maging tulad ng Amerika, Europa, Korea, o alin pang mauunlad na bansa. Pero sa totoo lang, kung pipiliin lang natin maging Pilipino, malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad.
Bakit hindi natin gayahin ang nakaraan, na tinangkilik ang sariling produkto? Na pinayabong ginamit bilang punla ang sariling katalinuhan ng mga mamamayan nito? Na patuloy na pinaglingkuran ang bayang sinilangan niya?

(via jaredramos)

Reblogged from partywithsluuuts